*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/1218890-Ang-Pagtatagpo-ng-Telebabad-Shows
Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
Rated: E · Other · Fanfiction · #1218890
A Filipino fanfic that shows how diff. TV characters will clash together
Sapiro. Masayang kumakain si Lira nang may marinig syang dalawang taong nag-uusap.

Lira: (masayang-masaya) May tao! Yehey may tao! Mababalitaan nila ako sa mga nangyayari doon!
Chun-hyang: (naiinis) Marvin nasaan na ba tayo? Kanina sabi mo sa fastfood lang tayo kakain. Tapos napasok pa tayo sa kakaibang mundo na ito.
Marvin: Sorry na Chun-hyang. Pero mukha namang maraming makukuhang pagkain sa mga puno dito e.
Chun-hyang: Gusto ko nga ng fastfood at ng coffee! Nakakapagod kaya
magtrabaho!
Lira: Hi! Narinig ko ang usapan ninyo. Gusto niyo na bang kumain?
Marvin: Mababait pala ang mga tao dito. Tara Chun-hyang kain na tayo.
Lira: (natatawa) Hindi kami tao. Diwata kami. Nandito kayo sa Encantadia, ang mundo ng mga encantado at encantada.
Marvin: (habang tinitingnan si Lira at ang iba pang mga dama) Oy! Ang gaganda pala ng mga diwata no!
Chun-hyang: Oy ka din! Akala ko ba tayo na, kaya nga ako nakipag-break kay Xander eh! Tapos ganyan ka lang?!
Marvin: Ito naman o, syempre ikaw pa rin ang mahal ko!
Lira: Ano, gusto niyo na ba kumain?

Tumakbo si Chun-hyang sa mesa at nagsimulang kumain.

Lira: (tumatawa) Ang takaw pala ng girlfriend mo.
Marvin: Ganyan talaga si Chun-hyang. Aba kahit ano kinakain nyan e! Kahit pakainin mo yan ng bayawak!
Chun-hyang: (habang ngumunguya) Ano ba Marvin! Di ba ikaw ang nag-treat ng date sa akin? Tara kain na tayo!
Jang Geum: (sumulpot galing sa kusina ng palasyo ng Korea, pero di alam kung pano nakapasok sa Encantadia) Ito pa po (inaabot ang napakasarap na Korean food) Enjoy your meal!
Lady Han: Ito din, ito ang niluto ko para sa Sugo ng China.
Chun-hyang: Kimchi to ah...

Nakisalo sa pagkain si Marvin. Inilabas niya ang kanyang wallet at nag-abot ng 10,000 won kay Lira.

Marvin: O, ito ang bayad namin.
Lira: Walang pera dito sa Encantadia. Kaya hindi nyo na kailangang magbayad sa amin.
Chun-hyang: Eh di jackpot! Hindi na mababawasan ang kita ko ngayong araw na ito!

Sumulpot naman sina Alena, Amihan, Danaya, Mira at Aquil.

Chun-hyang: (nakita ang pagsulpot nina Amihan) Ay ano ba yan! Magic!
Alena: Lira, sino sila? Tao din ba sila?
Lira: Opo ash'te Alena. Marvin at Chun-hyang ang mga pangalan nila.
Aquil:(pinagtatawanan si Marvin) Chun-hyang ang pangalan mo? Kakaiba talaga ang pangalan ng mga tao.
Marvin: (sinisigawan si Aquil) Hoy! Marvin ang pangalan ko! At ang babaeng ito ang kasintahan ko! Si Chun-hyang!
Chun-hyang:Ahhh!!! Ang pogi pala ng mga encantado!!!!!!!!!! (turns to Aquil) Ang gwapo mo! Anong name mo?!
Aquil: Ahh... pangalan ko? Ano... (hinila ni Danaya papalayo kaya hindi na naituloy ang pagsasalita)
Chun-hyang: Ano pala ang pangalan mo...
Danaya: (hinila si Aquil papalayo, hinarangan siya, nilapitan at pinalo ng arnis si Chun-hyang) Hoy tao! Wag kang malandi! May Marvin ka na nga eh!
Lira: Oo nga Chun-hyang. At sa kanya kasi si Aquil!
Chun-hyang: Aquil pala ang name niya ah...
Danaya: (pinalo ng arnis si Lira) Isa ka pa eh!
Lira: Tama na ash'te Danaya! Eto naman o, deny pa kasi ng deny!

Pumasok sa palasyo si Danaya kasama sina Aquil, Alena at Amihan. Doon na sila kumain. Samantala, napag-tripan naman ni Chun-hyang si Ybarro.

Chun-hyang: Ang pogi! Ang pogi!
Marvin: Chun-hyang ano ba! Akala ko ba tayo na?
Chun-hyang: Pogi lang naman siya eh pero ikaw pa rin ang gusto ko syempre! Pero... wow ang pogi nya!!!
Lira: Oi wag siya, tatay ko ito.
Chun-hyang: Tatay mo yan? Oh my wow! Ang pogi ng tatay mo!!!!
Ybarro: Oo ako ang ama ni Lira at ang magiging hari ng kahariang ito.
Marvin: Naku, royal family pala ang mga kasama natin dito, Chun hyang!
Chun-hyang: Hmm... masaya ito.

Inimbestigahan ni Mira ang kasuotan nina Marvin at Chun-hyang.

Mira: Halos parehas kayo ng suot a.
Marvin: Ito kasi ang uniform sa school namin. (tinititigan si Mira) Ang ganda mo ah! Mas maganda ka pa kay Charina.
Ybarro: Okey... Teka si Mira may gusto na yang iba.
Mira: Ah... At meron ka namang kasintahan kaya wag na...
Lira: ...! (may narinig na sigaw ng isang babaeng tao)
Isabel: Aray Amante bitiwan mo nga ako! Miguel tulong!!!!
Amante: Hindi kita pakakawalan. Ikaw ang alay!
Miguel: Anong siya? Gawa-gawa ka lang ng kwento e!
Isabel: Bakit pareho ba kayong Sugo?
Amante: Oo, sabay ka naming papatayin.
Isabel: (pumapalag kay Amante) Miguel!!!!
Lira & Mira: Hoy! Bakit nyo sinasaktan ang babaeng iyan?
Amante: Ano kayo? Bakit may kapangyarihan kayo? (sinaksak ang kanang braso ni Mira) Hetong sayo!
Mira: (tumulo ang dugo sa kanang kamay at pinaapoy ang kanang kamay) Humanda kayo sa akin!
Amante: (hindi makapaniwala sa nakita) Miguel! Siya ang alay! Ang lakas ng pag-apoy ng dugo niya!
Miguel: Tara patayin na natin sya.
Mira: Anong alay? Anong pag-apoy ng dugo? (tinangay ng dalawang Sugo) Tulong!!!
Darna: (sumulpot out of nowhere) May nangangailangan ba ng tulong ko?
Lira: Sino ka naman?
Darna: Ako si Darna. Ang tagapagligtas ng sangkatauhan.
Lira: Tangek ka pala e. Tao lang pala ang inililigtas mo, hindi diwata.
Darna: Eh mukha kayong tao eh. Maligno pala kayo.
Lira: Hoy anong maligno? Pogi at magaganda kami para tawaging maligno!
Darna: Eh nakita ko yung isang babae napagkamalang alay at umaapoy ang kamay.
Lira: Ano naman ngayon?
Darna: KAMAG-ANAK KAYO NI SULFURA NO!
Lira: Ang pangit-pangit ng matandang yun, kamukha ni Braguda! Hindi namin kamag-anak iyon, ang lahi namin, pogi at magaganda!
Darna: O sige na, ililigtas ko na yung babaeng "alay" na sinasabi nina Miguel at Amante.
Lira: (nagbuntong-hiniga) Sus diyos ko, salamat naman at naisipan mo nang iligtas si Mira!
Darna: Ano bang itsura nina Miguel at Amante?
Lira: Naku, di mo pala nakita! Ano ba yan! Ahmm... kambal sila, ano sila, matangkad, gwapo, may pagka-masculado...
Darna: Oh my! Sila yung mga nakatambal ko sa Let the Love Begin!
Lira: Dalawa?
Darna: Eh kung late kasi sa shooting yung isa, yung isa naman.
Lira: Whatever!
Darna: (tinangay si Chun-hyang) Tara, samahan mo ako kung nasaan sina Amante.
Chun-hyang: Hoy malabo mata ko!!!!
Darna: Shut up mortal!!!!!!! (lumipad na)
Chun-hyang: Oh my gosh! Diwata din ba ito o aswang?
Marvin: Oi Lira tulungan mo si Chun-hyang laban sa aswang na iyon!
Lira: (pinigilan ang flight ni Darna) Hoy! Hindi ka makakalipad dahil kapangyarihan ko ang hangin! Mag-sidecar ka na lang!

Mabilis na nakakuha ng sidecar si Darna dahil napakaganda niya daw, and take note: NAKALIBRE PA SIYA! Nahulog naman si Chun-hyang at nasalo ni Marvin.

Ybarro: Iba talaga ang LOVE... (kinakantahan sina Chun-hyang at Marvin) Love's found me... Fina-lly....!!!!
Marvin: Arhm!!! Ang sarap talaga kapag may nanghaharana sa ating dalawa noh...
Chun-hyang: Ahm!!!
Lira: Oi LOVING-LOVING...

Sa kinalalagyan nina Amante...

Isabel: Wag niyo siyang patayin! Wala syang kasalanan!
Miguel: Bakit Isabel, pinagpalit mo na ba ako? Tomboy ka na ba?
Isabel: Miguel... hindi ah!
Miguel: Ay sayang... kasi... (tinawag ang isang matipunong kawal ng Karag-ayan) Bading ako!!!
Amante: Yuck... ang kambal ko na SUGO din... BADING!!!
Isabel: Yuck yuck yuck!
Amante: Ako din bading!!!!
Isabel: KAMBAL NA TADHANA.... (kinakanta ang ending song ng Encantadia na ang title ay Tadhana sung by Bayang Barrios) OOOOH! OOOH!
Amante: Charing, alam mo sister ang galing mo mag-sing, pwede ka sa gay bar.
Isabel: Yuck!!!!! Let me outta here!
Mira: Mga charing pala kayo! Dapat sa inyo, mapunta sa mundo nyo na maraming bading!!!!
Miguel: Are you discriminating us?
Mira: Oh yes I am, so... GET OUTTA HERE BEFORE I CRUSH YOUR BONES AND BURN YOUR SKIN!!!
Amante: (turns to Miguel, who was putting on his... este her pala, lipstick) Sige na nga, sister, let's get outta here na.
_____________________________________________________________________
Closing Remarks ni Lira:
Naku naman o, badtrip. Isang telebabad show lang ang nakarating, nadagdagan pa. Tapos may nagluluto pa, di naman kelangan. Yan tuloy, di na nagkakasundo. Basta, whatever happens....
(turns to see Darna, Amante, Miguel, Isabel, Chun-hyang and Marvin fighting with each other habang nagluluto si Jang Geum kasama ang mga friends niyang sina Yeonseng, Ah Chang at Geum-young  ng food para kapag napagod sila sa kakatalak, may nakahanda agad na food, di ba? Iba talaga ang pakiramdam ng tagapaglingkod sa kusina ng palasyo! Baka mamaya mag-apply silang tagapaglingkod sa kusina ng palasyo ng Sapiro!)
ENCANTADIA WINS!
© Copyright 2007 Mira-chan (fieryprincess at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Log in to Leave Feedback
Username:
Password: <Show>
Not a Member?
Signup right now, for free!
All accounts include:
*Bullet* FREE Email @Writing.Com!
*Bullet* FREE Portfolio Services!
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/1218890-Ang-Pagtatagpo-ng-Telebabad-Shows