*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/2171414-A-Chance
Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
by Ajoa
Rated: 13+ · Poetry · Romance/Love · #2171414
A chance that could change for a lifetime.

PAMBIHIRANG PAGKAKATAONPambihirang_Pagkakataon_html_19bdf5a8.jp

by: JAO


Naglalakad sa may dalampasigan. Wari'y tinatakasan ang nakaraan. Minamasdan ang paglubog ng araw. Nguminigiti sa masisiglang ulap. Nakikipaglaro sa nag-uunahang tilamsik ng alon. Dinadama ang bawat butil ng maputing buhangin. Niyayakap ang dampi ng simoy ng hangin. O kay sarap pagmasdan ang kagandahan ng paligid. Nagdadalangin na ganun din ang mararanasang pag-ibig. Pagmamahal na walang kapantay ay langit. At nagtatanong kailan ba makakamit.


Sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon ikaw ay biglang sumulpot. Isang lalaking kailan man ay hindi maaaring madaling malimot. Kislap ng iyong mga mata sa akin ay nagungusap. Ngiti mong nang-aakit at naghahatid ng ligaya. Tindig mo'y nagtataboy sa anumang balakid. At nagsasabing ang lahat ay unti-unting magiging maayos. Na lahat ay walang imposible sa taong nagmamahal at nagdadasal ng taimtim sa Diyos.


Sa tuwing kasama ka'y puro saya ang nadarama. Pait ng kahapon ay nalilimutan at mga problema ay 'di inalalintana. Sing tulad ng ibon sa kabukiran na umaawit ng may kagalakan. Lumilipad ng kay taas na bitbit lagi ang pagnanalig at pag-asa. Na ang buhay ay puno ng hiwaga at tinitiyak na may darating pa sa ating himala.


Nang minsan tayo ay mapadpad sa isang paraiso. Dalangin na sana'y ang oras ay biglang huminto. Upang ang panahon na tayo ay magkasama ay magiging sobrang napakahaba. Bubuo tayo ng mga bago at masasayang alaala. Babawiin ang mga nasayang na panahon. At lahat ng ito sa puso natin ibabaon.


Ang paraisong yaon ay walang kapantay. Tahimik na paligid sa atin ang laging nag-aantay. Matatayog na puno sa ati'y nagsasabing ang mga pangarap ay maari paring maabot. Basta tiwala at pagmamahal sa isat-isa ang lahat tiyak madaling makakamit. Taghoy ng hayop sa paligid na kay sarap pakinggan. Nag-papaalala na anumang hirap ay kayang malampasan. Dilim ng gabi ay kaysarap namnamin. Liwanag ng buwan pinagmamasdan nating magkatabi. Tinitingnan ang bituin sa langit habang hawak ang kamay mo ng kay higpit.


Biglang bumuhos ang ulan sa ating paligid. Bawat patak nito'y sa ating katawan ay init ang hatid. Dinadama ang bawat padgdampi ng mga labi. Pinapatid ang uhaw sa mga pusong sabik. Haplos ng kamay na gumagabay sa pusong ligaw. Pananabik sa isat-isa ang siyang umaapaw. Bawat katagang binibigkas ay naghahatid ng kiliti. Pumapaindayog sa musika ng ulan at lakas ng hangin. Hanggang rurok ay maabot at sa wakas matungtong ang langit.


Isang pambihirang pagkakataon na hindi mapapantayan. Mga nakaw na sandali na parang ang haba ng ating ginawang paglalakbay. Sa mga bisig mo'y hnidi na nais pang humiwalay. Natatakot na baka ikaw ay bibitaw at sa buhay ko'y bigla nanamang mawawala. Ngayo'y hawak-hawak ka na hindi kana bibitawan pa. Kahit ang lahat ay tutol sa ating dalawa. Darating ang araw tayo rin ay kanilang matatanggap. Pagkat pagmamahalan natin sa isat-isa ang mag-aangat. Dinadalangin kong tayo rin ay lubusang liligaya. May masasaktan mang tao sa ngayon, ngunit bukas bibigyan din tayo ng Panginoon ng pagkakataon.

© Copyright 2018 Ajoa (ajoa at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/2171414-A-Chance