*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/2304022-waves-of-lies
Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
Rated: E · Chapter · Adult · #2304022
George and Magus
''Hindi ba sinabi ni Manong Odor na ayos lang pagsama samahin ang mga maduduming damit at ang mga hindi pa nagagamit na damit?'' Sumang ayon naman ang kausap nito at pinag patuloy ang kanilang gawain,medjo marami rami pa din ang kanilang lalabhan at lilinisin, sa dami ba naman kase ng tao sa Mansion ay tiyak na hindi sila matatapos ng isang oras lang kagaya ng hiling ng Bunsong anak ni Don Custro.May pagka sutil din kase ang bata na kapag walang magawa ang mga katulong ang pinag didiskitahan

''Maria ilang buwan kana nga ba naririto sa isla ng Andama?'' Napatigil naman ang babae sa tanong nito, simula kase ng mag trabaho sya dito sa Mansion ay walang pumapansin sakanya,kausapin man sya ng mga ito ay ayun ay uutusan sya o ipapatapos ang kinatamadan na gawain nila

''Amm Mag tatalong Buwan na ho'' magalang na sagot nito,mahirap na baka pagtiskitahan sya ng mga ito kung hindi sya gumalang

''Wala ka ba balak umalis? Ayaw mo ba pumunta sa Syudad para duon mag trabaho? tiyak na madali ka matatanggap dahil maganda ka''Napalingon ito sa babaeng nasa likod nya na nagsalita,kung tutuusin ay hindi nya alam ang mga pangalan nito,kahit na dalawang buwan na ito namamasukan bilang kasambahay ay ni isa walang gustong kumausap dito,kahit na pag sabay sa pagkain ay ayaw ng mga ito,hindi nya alam pero wala naman itong pake kung anong gusto ng mga kasama nya, minsan ay nalulungkot ito dahil wala syang kausap o kahit na kaibigan sa loob man o sa labas ng trabaho nya

'' Ay wala ho, ayos na ho ako sa ganitong buhay,hindi magu--'' natigil ito sa pagsasalita ng pumasok sa loob si Mang Odor at tiningnan sya na may halong inis

''Maria tumayo ka diyan, tawag ka ni Sir Dwaine'' Ayon lang ang sinabi nito at umalis na,kagaya ng sinabi nya ay tumayo sya para magtungo sa lalaki,pero kagaya ng dati hindi pa sya nakakalayo ay rinig na nya ang mga daing ng mga katulong sa likod nya

''Paborito kase kaya ayaw umalis''

''Nakakapikon tayo nanaman ang tatapos ng gawain na 'to''

''Ano pa nga ba tapos sya magpapahinga lang''

Hindi na nito pinansin ang mga katulong kung alam lang nga mga ito ang hirap ng kanyang mga giangawa,nag patuloy na lamang ito sa paglalakad at tinungo ang kinaroroonan ng Binata

''Sir tawag nyo daw ho ako'' magalang na sabi nito atiniyuko ang ulo

''Why are you still here Maria? Nakapag usap na tayo hindi ba?'' Halata sa boses nito ang pagka dismaya ng makita sya

''Hindi ho ako pinapaalis ni Don Custro,mananatili ho ako''

''Im his son,in short im also your boss''

''Siya ho ang nagpasok saakin dito Senyor''

''Iba ka din talaga Maria,kabet ka ba ng tatay ko? o baka g--''

''Ganyan ba ang tingin mo Dwaine sa sarili mong ama?''

Natigil ang pag uusap nila ng dumating ang ama nito at hinarap si Dwaine

''Why? did it offend you? bakit Dad totoo ba?''

''Alam mo ang totoo sa hindi, iayos mo ang trato kay Maria na walang ginawa kundi pagsilbihan kayo''

''Maria,makakaalis kana mag day off ka na muna at mainit ang ulo ng Senyorito mo''

hindi na ito sumagot at tumango nalamang at hinayaan mag usap o magtalo ang mag ama sya naman ay dumeretsyo sa sariling silid para kuhanin ang gamit at ng makaalis na sa mansion



''Saan ka pupunta? at bakit dala dala mo ang mga gamit mo?'' napahinto ito sa pag lalakad ng makita sya ni Mang Odor

''Pinag day off ho ako ni Don Custro''

''Ganon ba? e kailan ang balik mo?''

''Hindi ho sinabi,mukhang mainit ang ulo ng panganay nya at ayaw ako madamay''

''Osya mag iingat ka''

Hindi na ito sumagot at nagpatuloy sa pag lalakad,hindi naman ito bumabyahe dahil kaya naman lakarin ang bahay nya mula sa Mansion,mas gusto din nito naglalakad dahil nasisislayan nya ang dagat, nakakagaan ng damdamin ang mga alon

Nakarating ito sa maliit na kubo na tinutuluyan nya,tama lang para sakanya dahil nag iisa lang naman ito,halos wala rin itong katabing mga bahay at dikit din ito sa dagat kaya naman gandang ganda ito,pinag masdan nya na muna ang dagat at ang bahay nya,ngunit sumagi sa mga mata nito ang anino muna sa loob ng bahay nya,wala naman itong kasama at lalong wala naman syang kaibigan na mag pupunta sa kanyang bahay,







Alerto ito sa kanyang mga kilos at hakbang papasok sa kanyang Bahay,dahan dahan din nitong binuksan ang pinto at pinasok ang kamay sa kanyang bulsa na may lamang balisong

''George chill its me,para kang nakakita ng multo''

nang matanto nya kung sino ang nasa loob ng bahay ay dumertsyo sya ng tayo at pumasok sa loob ng sariling tahanan at kinandado ito

''What are you doing here Draz?''

''What do you mean by that? nagpapatawa ka ba?'' Tumawa naman ito ng mahina at kinuha ang kutsilyo na nakapatong sa lamesa at nag balat ng mansanan

''Pinapatawag ka ni Boss'' Narindi ang tenga nya ng marinig ang sinabi nito,, matapos nya akong itapon dito sa islang to at walang paramdam ngayon iapapatawag nya ko? ano ba talagang plano ng matandang to

'' At bakit daw?'' Umupo ang kausap nya sa lamesita at dumikwatro at hinarap sya

''Nabbored daw sya sa misyon mo, wala daw syang makalaro''

''Seryoso ba sya? Anong akala nya sakin anak nya na pwedeng larularuin?''

Galit ito,matagal na halos tatlong buwan na itong galit sa matanda, Ang ganda ganda ng buhay nya sa syudad sa sarili nyang bahay ng pumunta tong matandang to para lang bugbugin sya at patulugin, Pag dilat nya nalang nandito sya sa maliit na bahay at tanging sulat lang ang katabi, ni passport o sariling cellphone ay kinuha rin sakanya kaya wala syang ibang magawa kundi ituloy ang misyon na binigay sakanya at umarteng aping api at hulog ng langit sa kabaitan

''Umuwi ka na daw,hayaan mo na daw misyon mo ipapaako nya nalang daw sa iba''

''Ayos din sya ha''

''Ano sasama ka ba sakin o tutuloy mo yan? mukang bagay mo naman maging simple,mukha ka din mabait''

''Tigil mo ko Drazus kung alam mo lang kung anong pagtitimpi ginagawa ko''

Walang sabi sabi ay umalis ako sa bahay na tatlong buwan ko pinag tiyagaan at naglakad palayo,ramdam ko din na sumusunod ito sakin kaya hindi naman ako nabahala,Hindi naman pwedeng ako lang umalis mag isa dito hindi ko alam pauwi at lalong wala akong pera para makabalik sa totoong Lugar ko

''Sure kana ba George lakas ng loob mo ha, alam mo kung saan daan?'' Napahinto ako sa pag lalakad at tiningnan sya ng nanlilisik,tama hindi ito oras para mag magaling ako, ayoko man aminin pero kailangan ko umasa ngayon sa lalaking ''to para makabalik


Hindi ko alam kung anong iniisip ng kasama ko at pinaglakad ako ng napaka layo mas malayo pa ito sa mansion na pinag tatrabahuhan ko napipikon na talaga ako, sya ang pinauna kong maglakad dahil hindi ko naman alam kung anong sasakyan namin para makabalik pero halos isang oras na kami nag lalakad at ang mas nakakapikon pa humarap ito saakin at naglakad ulit palagpas sakin, ibig sabihin babalik kami

''Tangina naman Drazus ano ba talagang balak mo ha? ginagago mo ba ko?''

''Chill''

Ayun lang ang narinig ko at binalik sa mga bulsa nya ang kamay nya at nagpatuloy ulit maglakad,sa toto lang hindi na ako natutuwa sa ginagawa niito, parang niloloko nalang ako ng lalaking 'to

Hindi na ako nakatiis at lumapit ako sakanya at inipit ang kabilang braso ko sa leeg nya

''Now fucking tell me na mag aayos kana''

wala itong nagawa kundi tapikin ang braso ko na nakaipit sa leeg nya pero hindi pa talaga ako nakuntento at sinipa ko ang binti nito na syang nagpatumba sakanya,Pagod na ako sa trabaho na hindi ko naman talaga ginagawa at sa pag lalakad na 'to,wala pa akong kain at hindi na ako natutuwa sa nangyayari ngayon.Ng makita ko na hindi na talaga 'to makahinga binitawan ko na ito at inayos ang buhok ko na nagulo

''George pwede ba! Hindi ko alam kung saan ko pinark yung kotse ok?'' hawak hawak nito ang sariling leeg habang nagsasalita at kita sa mukha nito ang pagkainis sa ginawa ko

Bakit ba naman kase nakalimutan ko na hindi nga pala normal ang lalaki na 'to,nakalimutan ko na hindi ito nakakatanda at sobrang makakalimutin

''Kaya parang awa mo na George dont do anything stupid ng mahanap ko yung kotse ko''

HIndi na ako nagsalita at tiningnan nalang ito, ano pa nga ba ang mapapala ko kung magsalita salita ako dito? wala naman mangyayari saaming dalawa,hinayaan ko nalang ito maglakad lakad habang sumusunod ako, pagod na ako sa totoo lang,gusto ko na humilata,kung pwede nga bumalik nalang ako sa bahay ko at matulog.




''Zus what happened? I've been looking for you,wala na kayo sa bahay ni George akala ko pabalik na kayo, Where have you've been?''

Its Nathan, Partner ni Drazus, Hindi sila as in hindi sila magkarelasyon, partner nya ito sa misson,Lahat ng klaseng project na ibigay ni Azer ay laging magkasama ang dalawa,Never naghiwalay

''Nathan'' tumakbo si Drazus papunta kay nathan para yakapin, parang naninibago ako sa mga nakikita ko, tatlong buwan din kase ng hindi ko sila makita halos makalimutan ko na ganito pala si Drazus pag dating kay Nathan, hindi ko din alam bakit hindi naiirita si Nathan dito, dahil isip bata talaga si Drazus lalo na pag dating kay Nathan

''Naligaw ka ano?'' hindi naman tinanggal ni Nathan ang pagkakayakap ni Draz sakanya at tinapik tapik pa ang ulo,napatingin ito saakin at ngumiti lang

''Long time no see George''

ngumiti lang ako at lumakad patungo sakanila,wala na talaga akong lakas para makipag talo pa sakanila,gusto ko ng umupo at tumigil sa paglalakad

''Hinanap ko na kayo, ang tagal ng wala ni Draz kaya kinutuban na akong naliligaw nanaman to''

''As usual''

''Pumayat ka George,,na stress ka siguro sa project mo no?'' Natapos na kami maglakad at andito na kami ngayon nakasakay sa kotse,Si Nathan ang nag ddrive at si Draz naman ay kumakain,ni hindi manlang ako naisipan alukin ng pagkain nya, ginawa daw kase ni Diane ang baon nyang bento kaya ayaw nya mamigay, Diane is her sister kahit sa anong paraan kayang magramot ni Draz pagdating sa kapatid, Kahit na tikim ay hindi ka talaga makakatikim kung si Diane ang nagluto

''Ano talagang plano ni Azer bakit nya ako pinapabalik?'' tanong ko dito,hindi kase ako naniniwala sa sinabi saakin ni Draz,masyadong mababang dahilan 'yon at alam ko na hindi ganon si Azer pagdating sa trabaho

''He needs you to cover a mission about Dekisugi'' huminto ito sa pag sasalita at bummuga ng hangin
''Nikol and Allison is dead covering that mission,he need someone professional at batikan sa paglalaban''

Thats sucks, Namatayan nanaman pala kami, Nikol and Allison kahit papaano ay magaling din naman ang mga ito,pero hindi ko aakalain na handang ipaing ni Azer ang mga bata nya para lang makakuha ng maliit na impormasyon para sa mga kalaban nya,Dekisugi group is powerful, Alam ni Azer yun pero ang mga pinadala nya ay mga mahihina at baguhan palang,hindi ko maiwasan magalit sa aksyon ni Azer dahil bumabalik nanaman ito sa bisyo nyang laruin ang mga tao nya

''What about Dekisugi?'' tanong ko dito,nawalan ako ng ganang bumalik sa balitang sinabi ni Nathan saakin dahil panigurado hindi lang ang dalawa ang namatay at panigurado din magulo ang kampo ngayon

''Lumalaban ng madumi ang Dekisugi, hindi lang sa politika kundi sa lahat ng uring ilegal''

''Anong lagay ng Kampo ngayon?''

''Region 5?''

''Yes''

'' Magulo, lalo na sa pagkamatay ng mga tao nila gust--''

''I dont want to hear anything Nathan, Alam ko na ang rason ni Azer kung bakit nya ko pinabalik,para ayusin ang gulo nya''

hindi na kumibo pa si Nathan at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho habang ako ay nag iisip ng mga plano kung paano aayusin ang ginawa ni Azer sinubukan kong matulog dahil sabi nya ay malayo ang byahe pabalik at kinakailangan pa na sumakay ng eroplano









''My sweet Darling your back'' Panimula nito at akmang yayakap saakin ngunit pinigilan ko

''hahaha how's vacation George?''

Dito na agad kami dumeretsyo dahil kailangan na kailangan daw akong kausapin nitong kaharap ko ngayon,ni hindi na ako pinag pahinga at gustgong pagudin pa ako ng husto

'' Its not vacation Azer,now get to the point anong plano?''

''Sweet darling maupo ka muna medjo mahaba haba 'to''

''Azer''

''Fine, i need you to finish the unfished business''

'' funny,then?''

''then you can get the vacation you want''



Matagal din kami nag usap ni Azer patungkol sa misyon na binigay nito sakin, masyadong malakas ang Nobishuki para ipadala ang mga region 5 para duon pero dahil gahamas si Azer at gustong kumuha ng kaunting impormasyon ay ayun ang ginawa, Madumi din makipag labanan ang Dekisugi at madaming mga mata sa loob ng sarili nilang bansa,hindi lang sa politika ang target ni Azer kundi ang pag papahirap nito sa sariling lahi, kailangan na mas maaga palang ay matapos na sila ng matapos na din ang piligro na dulot nila sa mga tao,madami din sindikato ang mga Dekisugi at kumukuha ng mga tao sa pilipinas para alilain hindi lang sa pilipinas kundi sa maraming bansa rin.



Tungkol sa project lang naman ang pinag usapan namin,hindi na namin kailangan magkamustahan dalawa dahil pinalaki ako nitong matigas at hindi kinakailangan ng kung sino man sumuporta saakin.HIndi lang pagturo pano maging bato ang ginawa nya,sa edad na sampong taon ay binubugbog na ako nito kaya ayun din ang dahilan kung bakit hindi ako nasasaktan at kung bakit matigas akong babae


''Jo you're Back'' Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Apollo,hindi manlang nagbago ang itsura nito,matikas pa din ang pangangatawan at hindi pa din ngumingiti

''Bakit ka andito? akala ko nasa Brazil ka?'' Tanong ko dito dahil huling kita namin ay nagsabi ito saakin na may misyon sya sa Brazil na mag tatagal ng halos limang buwan

''Tapos ko na''

''mm ok'' Akmang aalis na ako at tatalikuran sya pero hinila nya ang braso ko at iniharap ulit sakanya

''Isama mo ako sa Japan ,Masyadong delikado ang Dekisugi'' Puro nalang Nobishuki ang naririnig ko, nananawa na ako sa grupo na 'yon

''Kaya ko na Apollo,Gawin mo na lang yung project na binigay sayo ni Azer''

''Bakasyon ko ngayon,kaya masasamahan kita'' pamimilit nito saakin

''Apollo hindi mo gusto ang gagawin ko,Madumi akong makipag laba

''Kung gusto mo maglibang,sumama ka kay Nathan at Drazus'' dagdag ko dito, Isa pa ayokong may kasama sa mga proyektong ginagawa ko,si Apollo lang naman talaga ang makulit na sama ng sama saakin,Ayoko ng may iniintindi habang nakikipag laban ako,ayoko ng pabigat.

''Iba ang Dekisugi George'' Pag uulit pa nito, oo na alam ko na iba sila,ano pa ba ang mababago ko don? iba din naman ako at isa pa hindi naman namin kilala ang isat isa ang lamang ko lang ay may alam ko na maliit na impormasyon sakanila pero hindi ibig sabihin noon ay malakas ako pero hindi rin ibig sabihin non ay malakas sila saakin

''Apollo pagod ako,pagod na pagod ako gusto ko magpahinga'' Gusto ko ng tapusin ang pag uusap na 'to ggusto ko nalang talikuran ang kausap pero hihilahin at hihilahin pa din ako nito

''ihahatid na kita George,halika na'' Hindi manlang ako hinintay magsalita ng kasama ko at hinila na lang ako palabas ng hallway ng building namin

''Apollo ayoko ng makulit'' Ayoko talaga,sa haba ng binyahe ko at kasama ko pa si Drazus duon ay sumasakit na ang ulo ko,parang mas magandang mag stay nalang sa Isla ng Amanda duon tahimik ang buhay ko,ni hindi na ako nito binitawan at patuloy na hinila sa parking lot, napag isip isip ko nga na mas mabuting ihatid ako ni Apollo sa bahay ko kesa mag commute

''George alam mo naman na hindi kita hahayaan umalis mag isa hindi ba?'' HIndi ata ito napapagod kakapilit sa gusto nya,dahil imbis na mag focus sa pag ddrive ay nag ffocus ito sa pag convince saakin na isama sya sa project na binigay saakin ni Azer

''Alam mo ang ginagawa ko Apollo sa mga misyong hinahawakan ko,kapag hindi ko nagugustuhan pumapatay ako''

''Ayun din ang dahilan ko kung bakit gusto kong sumama George,dahil kapag nagka gulo ay wala ka maasahan kundi ang sarili mo''

''As if naman na pumatay kana?'' Si Apollo ang pinaka malinis saamin kumilos,Pulido ito kung anong inutos dito ay ayun lang din ang gagawin, HIndi nito hahayaang madungisan ang sariling mga kamay.


''Yes'' Maikli pero may laman nitong sabi, sa sobrang hina ata ng pagkakabigkas nya ay parang hinga lang iyon sa tenga ko,Hindi ko alam kung nagsasabi ito ng totoo pero hindi naman ito nag sisinungaling hindi kagaya ni Drazus na walang katotohanan ang lumalabas sa bibig

''I already did George,Kaya ko natapos agad ang misyon ko sa Brazil ay dahil pumatay ako,imbis na pahirapan nalang sila mas pinili kong padaliin ang buhay nila'' HIndi ko gusto ang tono ng kasama ko, nabigla din ako sa biglaan pagsabi nya saakin, dahil simula pa man na malaman nya ang mga gawain ko ay pilit nyang sinasabi saakin na hindi ko kailangan pumatay,Napakalinis ng konsesya nito at kung may ikwento man sya tungkol sa mga misyon nya ay matutuwa ka lang,hindi ko kagaya na iilan lang na misyon ang hindi ako pumatay,Hindi sang ayon si Azer sa mga kilos ko, dahil isa lang naman ang rule sa orginisasyong binuo nito, Bawal Pumatay,nagpapahirap lang kami hanggang pasukuin sila pero kung malaman ng nakakataas na kumitil kami ng buhay ay buhay din namin ang kaparusahan, pero alam ni Azer ang maduming laban ko at alam din ng mga nakakataas kung gaano ako kaduming lumaban,pero hindi nila ako kayang galawin dahil si Azer ang pinaka mataas at isa ako sa mga galamay ni Azer.Walang nakakaalam ng mga gawain namin, lalong lalo na ang mga Region 1 at mga iba pang myembro.Dahil kung may kumilos man ng madumi sakanila ay buhay nila ang kapalit.Hindi ako pinalaki ni Azer ng may puso at malambot,Binuhay nya ako sa bugbog at tinuruan maging bato


''Alam na ni Azer ang nangyari sa Brazil at sya na ang luminis non,Hindi nya na hinayaan na makarating sa nakakataas ang nangyari kaya andito pa din ako sa tabi mo''


''Apollo,hindi mo kailangan dumihan ang kamay mo sa mga misyong gagawin mo'' Hanggat maari,ayokong matulad saakin si Apollo, hindi sya masama kagaya ko, hindi ito demonyo kagaya ni Azer


'' I saw them beheaded children, ginagahasa din nila ang mga sanghol sa harap ng nanay ng mga ito''

Hindi na ako nagsalita pa,dahil alam ko at ranas ko na ang mga bagay bagay na iyon,kagaya ko hindi ko din hahayaan pang mabuhay ang mga siraulong yon







Nakarating kami sa sarili kong bahay ng walang kumikibo saamin,hindi ko na kinausap pa si Apollo sa nalaman ko,dahil ayokong nakakarinig ng mga ganong bagay.Hindi na rin kumibo si Apollo at nanahimik nalang,halata rin sa mga mata nito ang lungkot sa naranasan nito sa Brazil,sabihin na natin na pumatay na nga sya pero hindi ibig sabihin non ay hahayaan nya ulit ang sarili na makapatay ulit.Pero kung gustongg gusto nya talagang sumama saakin ay sige pag bibigyan ko,pero hindi ko mapapangako dito ang kaligtasan nya,dahil kung maipit man kami ay buhay ko ang una kong ililigtas.



Hindi na rin ito umuwi sa sarili nyang bahay pagkatapos nya akong ihatid,dahil pag dating palang namin dito ay pinag luto na ako nito at nilinis ang bahay ko,hinayaan ko nalang dahil sanay na rin naman ako sa mga kinikilos nya, minsan nga ay hindi na ito umuuwi at nananatili nalang dito sakin,Kaya nasanay na rin ako sa presensya nya,hindi ko sya mapipigil sa daan na gusto nyang tahakin,pero sana makaya nya kung susunod sya sakin.Kumain lang kami at pumunta rin sa sari sarili naming silid at nagpahinga,halos makalimutan ko ng humiga sa malambot na kama ko,Sa isla Andama kase ay banig lang ang higaan ko kaya naman naninibago bago pa din ang katawan ko siguro sasakit 'to bukas,nanibago ako sa ginagalawan ko ngayon masyadong malaki ang bahay dahil kung tutruusin ang bahay ko sa Andama ay mas malaki pa ang silid ko kesa sa kabuuan ng bahay ko doon,kung ako tatanungin kung gusto kong bumalik doon ay hindi,ayoko na ulit bumalik sa lugar na 'yon tatlong buwan ako naging alila at hinayaan na utos utusan lang ako,kung ako masusunod baka pinag papatay ko na ang mga tao duon pwera nalang kay Don Custro na walang ginawa kundi ipakita saakin ang kabaitan nya,Kaya lang naman ako napadpad duon ay dahil sa misyon na gusto ni Azer,Mabait nga talaga ang Don kagaya ng sinabi ni Azer at walang kinalaman sa kadumihang ginagawa ng mga anak nya,Drug Lord ang panganay at rapist naman ang Bunso,Hindi ko din alam kung paano tatangapin ng tatay nya ang mga pinag gagawa ng mga anak nya habang ito ay nakatalikod.Pero dahil kinuha na ako ni Azer at ipinadala ang ibang tao para kumpletuhin ang misyon ko ay wala na akong pake duon.Mas pipiliin ko pa ang trabahuhin ang mga Dekisugi kesa sa walang kwentang proyekto na 'yon.Siguro kaya lang binigay ni Azer yon dahil nakikita nyang halos isang taon na akong bakante,Ayokong tumanggap na kahit anong proyekto gusto ko lang mag pahinga ng isang taon kaya nung tinanggihan ko ang misyon na sinabi nya ay pinabugbog ako at itinapon sa Isla.Walang kwenta.Gusto ko na talagang magpahinga kaya naman hinayaan ko na ang sarili kong matulog at damdamin ang lambot ng kama ko.


AZER POV


''Viggo para saan 'to?'' umupo ito sa silya at hinarap ang lalaking nag ngangalang Viggo.Kahit ito ay hindi alam ang dahilan bakit ito pinatawag ng Under Ground,namimirmi ito sa sariling opisina ng makatanggap ang sekretarya ng tawag mula sa mga ito.


''YA rad, chto vy prishli, Azer'' ?(Azer,im glad you came) Walang halong emosyon ang mukha nito ng tumitigil sakanya,pero hindi man sabihin ng kausap nya kung ano talagang pakay ay alam nyang masama ang ibabalita nito


''Its about Dekisugi,they already know that Nikol and Alison is from us'' Tama ang hinala nya pero hindi nya alam na ganito kabilis ang mga Dekisugi,masyado din kase ito nagpadalos dalos sa aksyong ginawa at hindi pinag isipan, akala nya ay kung magpapadala sya ng mga mahihina para makakuha ng maliit na impormasyon ay hindi sya mahahalata pero nagkakamali ito.


''I'll send George to kill them all,we cant let them know more informat--'' he didn't let him finish talking and interrupt the latter

''Is that what you got Azer? killing really,you think that George can do that alone? it will reach the Costra Nora if Dekisugi Group got killed,and you dont want the punishement theyll give to George''

He is right,he dont want anything happen to George he also know the consequences if he let George wipe all Dekisugi.The Costra Nora will notice it.


''Nam nuzhno polozhit' konets Dekisugi bez ikh vedoma,delo ne v nashey organizatsii my grovorili o lyudyakh,kotoryye v etom uchastvovali. Itak,nam nuzhno sostavit' plan.''(
we need to end Dekisugi without them knowing it,its not about our organization were talking about its about the people that involved .So we need to make a plan The solid one)

''thats why im sending George to take the mission,you dont command me to change my plan to put down that gaddamn group,if george think that they are deserving to die she willl kill them not even thinking twice!''


''Blin Azer!'' (Damn it Azer!) Anger is visible in his face.Sa sobrang galit sa sagot na binigay sakanya ay hinagis ang baso na may alak sa likod ng kausap na tumama sa pinto,pero tila hindi manlang natinag si Azer at kalmado pa rin ang mukha na hinarap ito.Hindi man nya magustuhan ang plano na gusto nya ay wala na itong magagawa dahil sa mga oras na ito ay ayun nalamang ang nakikita nyang solusyon para matapos ang kalbaryo ng mga hapon sa grupong ito.if killing them is the only way to solve the poverty in japanese he will do that.He trust George when it comes to killing,if Viggo's only concern is Costra Nora the organization who build the punishment if you break the rules he gladly kill them also,When it comes to George he will let his hand be dirty just to protect her Daughter.

''Now Viggo tell me what is your plan by vanishing the Dekisugi?'' Tama rin naman siguro na tanungin nya kung anong naiisip nyang solusyon sa pagtumba sa Dekisugi

''Let them punish by the book by rules'' hindi nya maiwasang matawa sa sinabi nito,umaasa ba syang susuko ang mga Dekisugi kung pahihirapan lang? hindi nya ba inaral kung ano ang dekisugi? they rather die than to confess


''Thats your lame plan Viggo? dont you kknow what Dekisugi capable of?''


''It doesnt matter what they are capable of doing by getting what they desire.Our goals is to let them punish without killling''

Parang hindi makaintindi ang kausap nito,ayaw nyang patayin ang mga Dekisugi pero hahayaan nyang mamatay ang mga tao nya

''I already sent two in our members to get some information,they killed it not even giving mercy,and you are telling me to let them live while our Region five is suffering in our loss,what kind of leader are you Viggo?'' insted of shouting he hear laughing from the lather that make him confuse

''Well Azer you're right i did not even look what Dekisugi is,i just know that Group is powerful.But you said you investigate it yet you sent our people..wait...our not good in fighting member to japan,isnt not like sending your rabits to lion cage?''

''Azer...Azer is that your strategy? letting your people dies to get what you want?'' Hindi pa ito nakuntento ipamukha sakanya ang mga ginawa nya at lumapit ito dito sabay hawak sa magkabilaang balikat nya at ngumisi

''Im doing the right thing yet you and George is the only solutions in all the problem is killing,im not doubting where George get that attitude Azer Guerrero.You are the most powerful in our organization that even Costra Nora cant touch you,and here you are suggesting me some Goddamn solutions of yours.''

He smiles and pat his left cheeks

''Im glad you know that,so try to get my way and i give you what i want''

''hahaha i didnt know that you have a funny side Azer,let me remind you that im the one who take George in the fist places,you jus--''

he had enough,ayaw nyang balikan ang mga nakaraan lalong lalo na pagdating kay George.he grab his colar and punch the lather,puting blood in his nose that make him lost his balance.


'' Say George one more time and im gonna put the bullet in your mouth''

''perestan' lyubit' d'yavola, tebe budet bol'no, Azer'' ( stop loving the devil,you wil get hurt Azer.)


that does'nt matter to Azer,Kahit na masaktan ito ng paulit ulit ay handa ito basta wag lang gagalawin ang anak nya.

''Viggo, this is not about my loyalty to George,We are talking how we will save the Japanese it the hand of Dekisugi''

Napapansin kase nitong nagsasaliwa na ang pag uusap nila at masyado itong didiin sa kanyang anak


''I just want to warn you Azer,Did you forgot that i know her story?''

'' Stop fucking tell me who George really is'' Masyado syang sinagad ng kausap,Before Viggo speak back inunahan na ito ni Apollo at kinuha ang revelvor nya na nakatago sakanyang tweed pants at pinaputukan ang kausap na tumama naman sa balikat nito

''Blin,Azer!'' (damn you,Azer) halata sa mga mata nito ang sakit pero mas pinatili nyang tanggalin ang emosyong nararamdaman

''Viggo,lets stop playing you ,now that i hate your games,im not going to change my plan and just work the project that i gave you''

Tama naman ang ginawa nito,para sakanya tama iyon dahil sumosobra na ang kausap nya.Imbis na pag tuunan nya ito ng galit ay ilalagay nya nalang ito sa mga Dekisugi.


GEORGE POV

''George sayo muna si Dianne ha,aalis lang kami ni Nathan''
Umagang umaga andito agad sila Nathan at Drazus na kasama ang kapatid,HIndi ko ba alam kung bakit ayaw maiwan mag isa ni Drazus ang kapatid.Matanda na ito at kaya na ang sarili pero ang kapatid nya ay hindi pa rin sya hinahayaan gumala ng hindi sya kasama o si Nathan.

''Kuya naman aalis nga kami nila Allison'' kahit naman ano sigurong pilit ni Dianne sa kapatid ay hindi magpapatinag si Drazus,malaki ang takot ni Drazus kung si Dianne na ang pinag uusapan,mas pipilliin nyang hayaan si Nathan sa trabaho para lang makasama si Dianne,siguro gawa ng sobrang protective ni Drazus ay dahil wala na ang mga magulang nito.

Parang wala naman narinig ang kapatid at hinalikan lang ito sa pisngi at hinila ana si Nathan palabas,GAnito palagi kung aalis si Drazus ay saakin iiwanan si Dianne kung wala naman ako ay kay Apollo o Nathan.Wala naman kami magagawa sa sobrang higpit ng kapatid nya dito,hinahayaan nalang namin dahil may kanya kanya naman kaming buhay.

''Ate George'' mangiyak ngiyak na lumapit ito sakin na parang nagmamakaawa na tulungan syang makaalis mag isa.HIndi ko naman ito pwedeng samahan sa mga lakad nya dahil kailangan ko kausapin si Azer tungkol sa Misyon na binigay nya saakin

''I'd love too Dianne,pero hindi ko pa bakasyon ngayon''

Siguro kung pinagbakasyon ako ni Azer ay magagwa kong gumala gala pero hindi naman ako pinag papahinga ng matandang 'yon

''you know what Dianne,para makapag libang ka mags swimming ka nalang'' wala naman akong naiisip na pwede pang gawin ni Dianne sa pamamahay ko,puro lang ako trabaho,Kung sinabi nalang kase ni Drazus ang totoong trabaho nya sakapatid ay hindi na kami lahat mahihirapan,ayaw naman daw kase nyang sabihin dahil papatigilin sya ng kapatid at hindi naman pwede yon dahil kamatayan lang naman din ang makakapag alis saamin sa orginisasyong ito.Hindi rin makaalis si Drazus dahil ito lang din ang bumubuhay sakanila.

Hindi ko na hinayaan pa na sumagot si Dianne at nauuna na ako sa kusina para maghanda ng makakain,hindi pa naman kase gising si Apollo para magluto at ayoko na itong istorbuhin sa pag tulog dahil ako din naman guguluhin nito kapag gumising ito

inihanda ko na ang mga lulutuin ko para sa almusal at ng makakain naman kami,hindi ko alam kung saan sulok si Dianne

''Ate,kailangan ko talagang umalis please,wag mong sasabihin kay kuya ha'' ayokong madamay sa away ng magkapatid na ito
gusto ko lang naman manahimik sa bahay at makapag pahinga kahit kaunti pero mukang hindi naman ata matutupad iyon

''Dianne,kung gusto mo gisingin mo kuya Apollo mo at pilitin mo,nasa kwarto nya yon'' mas mabuting si Apollo nalang ang istorbuhin nito kesa ako na pagod pa din hanggang ngayon.Dali dali naman ito tumakbo papuntang taas ng bahay,hindi naman matitiis ni Apollo ang bata at siguro ako,dahil ni isa saamin ay hindi matitiis si Dianne sa mga gusto nitong gawin kahit pa na nasa kalagitnaan kami ng misyon ay kapag tumawag ito paniguradong uuwi ang isa saamin.Minsan pa nga ay ako ang tinawagan ni Dianne para magpasama lang sa salon,mas pinili kong alisan ang misyon ko para lang masamahan ang dalaga.Ganon din sila.Kung hindi naman tinuturing si Azzer na Leader pag dating kay Dianne sya ang boss namin,ayaw namin itong nasasaktan,lalo na at wala na itong magulang at kami kami nalang din ang inaasahan


Pinag patuloy ko na ang pagluluto ko dahil nagugutom na rin ako ng marinig ko si Dianne at Apollo pababa ng hagdan

''Kuya please samahan mo ako,wag ka na maligo please malalate ako''

''Baby please,wag mo na akong hilahin''

''Kuya wag ka lang papakita sa kanila ha,sa sulok ka lang''

''Fine,tootbrush lang ok?''


hindi ko na pinansin ang mga ito at mas inatupag ang lulutuin ko,ang iniisip at pinoproblema ko ngayon ay mga Dekisugi,malakas ang mga iyon at kaming dalawa lang ni Apollo ang makikipag laban parang mahihirapan kami,sabihin na nating hindi nga ako basta basta namamatay pero syempre napaka delikado pa rin ng haharapin namin.









''Jo sasamahan ko lang si Dianne,call me if you need me'' istorbo nito sakin habang kumakain,sikmple lang naman ang pormahan nito pero kitang kita dito ang magandang hugis na katawan nito

''Yeah whatever''


''Ate bye! bili nalang kita pasalubong'' Nginitian ko lang si Dianne at pinag patuloy ang pagkain 'ko

''Again bye Doktora!'' Bigla naman akong nasamid sa sinigaw ni Dianne at kitang kita ko din kung paano napatawa ng mahina si Apollo,Alam kase ng dalaga na Doctor ako habang si Apollo naman ay isang Sundalo,Kung tutuusin sobra sobra na ang pag sisinungaling namin sa dalaga pero para naman sa ikabubuti nya ang ginagawa namin,KAhit na si Drazus ay ayaw sabihin ang totoong trabaho dahil alam din nito na hindi magtatagalay makakapatay sya at ayun ang pinaka ayaw ni Dianne

Hinila naman ni Apollo palabas ng Kitchen ang dalaga dahil masyado rin itong madaldal at paniguradong bago ito umalis ay kukulitin muna ako nito.









''Azer'' Banggit ko dito ng makita sa loob ng silid.Hindi ko alam kung ano talaga kapangyarihan ng matandang 'to at bigla biglang sumusulpot.Bukod ba sa pagiging Demonyo ay may isa pa ba itong kapangyarihan


''Wag ka nang pumunta sa Cuervo at ako na ang pupunta sayo,marami tayong pag uusapan George''

''Syempre,andito kana,pupunta pa ba ako?''

''Dito ako kakain ng hapunan'' wala naman ako magawa kundi sundin ito,masyado kaseng feel at home na ang isang ito

''Ano naman ba ang napag usapan nyo at sinadya mo pa ako dito?'' tanong ko sakanya habang nakaupo ito sa sala

''Nothing special George,but you need to be careful this time, Binabantayan na ni Vigo ang mga galaw mo''

''So? hindi ba nasa underground sya bat hindi nya intindihin ang mga problema dun?''

Masyado naman ata nangingielam si Vigo sa mga project nang orginisasyon''

''Sasama ako sa misyon mo George,kung papatay ka man don kasama mo ako,masyadong delikado ang grupo na ýon''

''kelan ka pa nagkaron nang pake saakin, e halos ipambili mo na nga ang kaluluwa ko kay satanas dahil sa kasamaan mo''

naupo ako sa kaharap na upuan nito at pinaka titigan sya nang deretsyo,anong plano nang lalaki na 'to sa buhay ko?

'' Dahil ako lang dapat ang papatay sayo George''

''that's good to hear,dahil papatayin din naman kita but i still need you so matagal tagal pa iyon''



Nahinto lang ang pag uusap namin nang may tumawag dito,hindi na ako nakinig pa dito at tinungo ang kitchen ko para maghanda nang makakain namin dalawa,kahit gaano namin kadisgusto ang dalawa hindi pa din mawawala ang paminsan pagkain namin sa labas nang kaming dalawa lang.Alam ko na din ang mga gusto nitong pagkain at ang mga ayaw,hindi man kami nagkakamustahan kung ano na ang lagay nang mga buhay namin pero hindi ko din matatanggi sa sarili ko na si Azer ang bumuhay saakin at alam ko na ito rin ang kikitil sa buhay ko


''Jo,pupunta si Dave dito,naikwento ko din kase sakanya ang napag usapan namin ni Vigo''

Nagdagdag pa nang palamunin 'to matanda na ito,imbis na pang dalawang tao lang ang lulutuin ko para sa tanghalian ay pahihirapan pa ako

''Why did you tell him?''

''Why not? Leader din naman sya nang under ground''

Bakit ba ako nag tanong sa lalaki na 'to e pag dating sa trabaho napaka chismosa neto,hindi ko din masasabi na magkaibigan sila ni Dave dahil wala naman pinag kakatiwalaan ang matandang 'to kundi ang sarili mismo

''Hindi ko na ata nakikita si Gunther,Three months lang ako nawala bat parang di ko na makita sa kumpanya ang mga taong namumukhaan ko''

tanong ko dito habang nagluluto nang beef brocolli,pero imbis na ata ako ang mag luluto inagaw nito saakin ang sandok at sya na ang naghalo halo,kaya ang itsura namin ay para kaming magtatay na nagtutulong magluto

''Who? Gunther? what he looks like?''

Wala naman ata alam ang matandang to sa mga tauhan nya,kainis

''The bald one? katabi nang office ni Vale''

he laugh

''ohh si Baldo,well the reason why you didnt see him the other day,tinapon ko sa Singapore''

and he still laughing,whats funny tanda e makakalbo ka na din naman(siguro)

''whats funny about that? you mean sinabak mo si Gunther sa laban? you crazy old man,wala nama--''

he cut me off before i finish my sentence

''No i dint,masyadong maarte ang taong 'yon para makipag laban,and beside the reason why i sent Baldo is because he wanted too,duon na daw titira ang mag ina nya,so since we have division in that country why not''

well i think im wrong this time,masyado naman ata puro bad side ang nakikilala ko kay Azer,i think he knows his employees after all

''Anymore question young lady?''

i rolled my eyes and leave him cooking the dish,pero hindi pa ako tapos mag tanong dito,hindi din naman kami nakapag kwentuhan sa kumpanya dahil,ayoko talaga pumupunta sa opisina ni tanda

naupo ako sa dining table na kaharap kung saan sya nagluluto

''how about region 5? what the status?''

''hmm you know its not good after they lost thier two member,i warn them about Dekisugi or how dangerous that group.I ask the first region to cover that group but the leader of region five over heard our conversation''

makikita ko dito ang pag iba nang awra nito habang hinihiwa hiwa ang brocolli

''i hated that Casper he insisted that Nikol and Allison can get some information about Dekisugi''

napailing nalang ako,kung pakiramdam pala nito na hindi kaya nang dalawa bakit pinag bigyan nya pa ang leader nang region five

''Since im desperate to know more about that godamn group,i accept his offer to send his people''

Thats it.Ganyan ang Azer na kilala ko.

''You should visit Region five Jo, train them Pakiramdam ko kaya ganon ka desperada ang Leader nila makakuha nang big project ay dahil nitong mga nakaraang taon napag iiwanan ang grupo nya''

''Bakit hindi mo kase bigyan nang malaki laki project ang region five?''

''Alam mo naman na hindi nila kaya ang mga ganon misyon''

Tinikman nito ang sariling luto at ngumiti senyales na masarap ang luto nya

''Oh Jo! alam ko na Greedy si Casper,gusto nya maging leader nang Region One''

''Alisin mo na si Casper''

hindi ko alam kung nag tatangahan itong matanda o talagang mahina ang kokote,sa halos galaw nya ay kailangan nya din nang opinyon ko o sa kung anong mas magandang gawin sa mga tao namin sa kumpanya

''you think?''

''Azer,just fire that old man,tapos ang usapan my ghad''

Ibang iba lang ang ugali nito kapag kausap ako,pero kapag naman sa kumpanya ay hindi mo aakalain na tanga sya

bago pa ito makasagot sa sinabi ko ay narinig ko na tumunog ang doorbell nang bahay ko.Andito na siguro si Dave or maybe sila Apollo

''Ako na''

akmang tatayo na sana ako nang inunahan ako ni Azer







''Well George,long time no see how's vacation?''

panimula nito sa usapan nang makaupo kami at kumakain



''Its not a vacation Dave''

maikling sagot ko dito GAnon nalang kase tingin nila saakin kapag maliit na project ang nabibigay saakin

''tell me the status of u
nderground Dave''

napatingin kaming dalawa ni Azer nang bigla ito ngumisi

''You shot Vigo?''

pag tatanong nito na nakangisi pa din,pero hindi naman sumagot ang isa at pinag patuloy ang pagkain,seryoso nanaman ang mukha ni Azer

''Magulo ang Underground ngayon,lalo na sa nangyari kay Vigo,galit na galit din ang ibang mga Head sa nangyari.And Azer you know that Vigo have some point right?''

''Hindi nito gusto pumatay noon pa man,sa ilang dekada nya na sa orginisasyon na ito ay isang beses palang ito nakapatay,you can not blame him telling those words''

Tama naman si Dave dahil si Vigo ay ni minsan hindi ko nakita na pumatay

''Alam mo din Dave na hindi basta basta ang Dekisugi,they rather to die than to admit the crimes they did,we dont have choice but to make them disappear in this world''

''i just want to ask Azer if dont mind,what's the real reason why you shot him?''

Bigla naman sumeryoso ang mukha nito na tumingin sa isa.Pero hindi ko makitaan nang kahit anong emosyon si Azer

''No reason'' Tumayo ito sa kinauupuan at tiningnan si Dave

''Follow me''

Maikli pero lahat kami ay mapapasunod nito,akmang tatayo na sana ako nang sinenyasan ako nito na hindi daw ako sakama,kaya naman kumain nalang ako habang tinitingnan silang lumakad palayo saakin,napansin ko na papunta sila sa second floor nang bahay ko


Pero kilala ko din naman si Azer,kung may mas makakakilala sakanya ay ako yun,hindi basta basta magpapaputok nang baril si Azer kung hindi uminit ang ulo nito.Kahit na ako ay nagtataka din kung bakit nito binaril si Vigo,kumbaga si Vigo at Azer ang mas dikit kesa kay Dave


-------------------------------------------------------------------------------------------------



''Habang nakaupo ako sa sala ko ay may narinig akong malakas na kalabog at putok nang baril mula sa second floor ko na agad naman nagpa alerto sakin at kinuha ang nakatagong handgun sa ilalim nang sofa ko at tinungo ang second floor,ano naman kaya ang napag awayan nang dalawang 'to na umabot pa sa palitan nang baril


''What was that?''

tanong ko nang makarating ako sa sala nang second floor at kitang kita ko na may tama si Dave sa balikat habang nakaupo sa sahig at si Azer ay nakaupo sa sofa habang pinupunasan ang baril walang ekspresyon ang muka nito at tiningnan ako

''Clean it woman.''

walang ka emosyon emosyon sinabi nito at tumayo para lisanin ang second floor ko

''You're different George,fuck you''

hindi mabilis uminit ang ulo ko sa mga salitang ganyan,kaya hindi ko na ito pinansin at kinuha nalang ang basahan para linisin ang mga dugo na kumalat sa sahig ko

Si dave naman ay tumayo na at umalis na rin,nag tataka na ako kay Azer dahil dalawang binabaril nito ang mga malalapit sakanya,hindi naman nito sinasabi sakin ang rason kung bakit ganyan ito,kung kailangan matanda na duon pa umaaasta nang ganon si Azer ano naman kaya ang problema nang lalaking ;to


-----------------------------------



''What the hell Azer?!''

Sigaw ko dito nang matapos ko linisin ang taas at naabutan ko itong nakaupo sa sofa habang umiinom nang whiskey nito malalim ang iniisip at nakatingin sa kawalan

''Its not your business Jo''

''Why you keep shooting people? whats wrong with you old man?''

ayoko pa naman napapahidan nang dugo ang bahay ko pero eto sya baril nang baril

''Lets talk tomorrow''

halata dito na ayaw magsalita o mag kuwento,nilagpasan lang ako nito at tinungo ang second floor ko

Matapos nya mag baril baril dito tapos ngayon dito sya matutulog,nakalimutan ata nito na bahay ko to

wala naman ako nagawa kundi mainis sa kilos nang matanda.



''Ate i have pasalubong for you!! pizza hihi'' magiliw na bati saakin ni Dianne habang hawak hawak ang box nang pizza habang si Apollo ay nasa likod nito, halos hapon na din nang makauwi ang dalawa at halata sa dalaga ang saya ganon din si Apollo.TAma nga kapag masaya si Dianne masaya kaming lahat


''Jo im so tired following Dianne'' bulong nito saakin at umakyat sa taas,siguro ay para magpahinga

''So how's your day Dianne?''

PAg tatanong ko dito habang umupo sa sofa nang sala at ganon din naman sya,pero bago pa ito makasagot ay napansin ko na nakatingin sya sa likuran ko at sinundan ko anman ;to.Walang iba kundi si Azer na pababa nang hagdan na nakatingin din kay Dianne

''Tito Lo!'' pag tawag nito at magiliw na pumunta sakanya para mag mano,nakangiti din naman si Azer.Dahil alam ni Azer na hindi pwedeng sabihin kay Dianne ang totong trabaho namin, masaya din naman si Azer kapag nakikita ang bata

--------------------------------------------------





to be continue........




© Copyright 2023 uribumy (uribumy at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Log in to Leave Feedback
Username:
Password: <Show>
Not a Member?
Signup right now, for free!
All accounts include:
*Bullet* FREE Email @Writing.Com!
*Bullet* FREE Portfolio Services!
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/2304022-waves-of-lies