*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/1732405-Nang-Makilala-Ka-TagalogFilipino
by riza
Rated: · Poetry · Other · #1732405
basahin nyo nalang
Nang makilala ka
Di ka na mawaglit sa’king gunita
Di makatulog
At palaging nakatulala.

Nang makilala ka
Akala ko noong una
Paghanga lang itong aking nadarama.
Na agad din mawawala

Ngunit ng lumaon
Di ko inakala
Pintig ng puso ko ay nag – iba
Ang dating malumbay, ngayon ay kay sigla.

Nang makilala ka
Di ko inakala
Tinuruan mo na pala
Ang puso ko ng magmahal ng kusa.
© Copyright 2010 riza (paz-riza at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://www.writing.com/main/view_item/item_id/1732405-Nang-Makilala-Ka-TagalogFilipino